Tuesday, March 11, 2008

"Pangako"



Pangako

by : drahcir

Nang tayo'y unang magkita
Ako sa iyo'y nahulog na
Ako ay napa hanga
Sa kakaiba mong karisma

At nang ikaw ay makilala
Buhay ko'y biglang nag iba
Nagkaroon nang pag-asa
Para puso'y, muling lumigaya

Sa tuwing ika'y nakikita
Mundo ko'y napa tigil sa pag galaw
Ang pangalan mo'y nais sambitin
Sa puso ko, ang galak umaapaw

Ngunit paano ko sasabihin
Ang nilalaman nitong damdamin
Na baka ikaw ay, lumayo sa akin
Mahal ko, ito'y di ko kakayananin

Sa bawat araw, ay lagi kong hinihiling
Na kahit minsan lamang, ikaw ay aking makapiling
Pinapangako ko, ikaw lang ang mamahalin
Hanggang sa mga sandaling, ako'y iyong matutunang mahalin