Tuesday, June 23, 2009

"Tropang Riyadh"


(L-R) Ryan, Jun, Mark, drahcir, Asher and John


Kay saya nang samahan, nitong walong barkadahan
Dumayo sa Khobar, para lamang mamasyal;
Di alintana, ang tingkad nang araw
Mababanaag sa mukha, umaapaw na kaligayahan

Aking nasaksihan, kanilang pagkaka-ibigan
Makikisig ang lahat, laging nagtatawanan;
Walang hindi sasang-ayon, sa aking isasalaysay
Mala Adonis na mahahawig, silang lahat ay my taglay.

Mapanghalina ang kisig, ang biriyo nila't tindig
Mga ngiting mapang-akit, waring anghel ang kawangis;
Nitong magkaka-ibigang, walang tulad ang samahan
Sa hirap at ginhawa, sila'y walang iwanan.


(L-R) Aaron, Ryan, Julef, Jun, Mark, Ronald, drahcir and John

"Saklob at si Katotong John"



Ako ay my Katoto, ang pangalan ay si John
Dumalaw sa aking tahanan, nitong nakaraan;
Ako ay pinagkalooban, Saklob na makapal
Kulay ay bughaw, at my tatak na Obeikan.

Sakbibi nang pagmamahal, itong aking kaibigan
Larawan nang kabutihan, ang adhika, mithi't hangad;
Anong simple nang pangarap, upang siya ay umangat
Nitong abang kaibigang, ating Diyos ang nag lalang.

Kanya manding binabanggit, kababawan niyang taglay
Na siya'y walang pinipili, ano man ang ating kulay;
Siya'y isang halimbawa, ehemplo sa kabataan
Isang Adang galing langit, bigkis yapos nang pagmamahal.

Kakambal nang kanyang drama, mga payong nagniningning
Bawat buod nang salita'y, bumobundol sa aking dibdib;
Mga linyang nanggagaling, sa taong maunawain
Ang mababa n'yang loob, nagsisilbi niyang bagwis.

Lapit mga katotong, my problema't suliranin
Sa Kuya John na ating mahal, sumangguni't 'wag manimdim;
Ano man ang inyong katayuan, kasarian at layunin
Hangga't abot nang kanyang kaya, tayo'y kanyang aaliwin.

Yan si Katotong John, hulog sa atin nang Langit.