Wednesday, January 6, 2010

"Welcoming 2010" (Year of the Tiger)
It was great and fun celebrating New Years eve with my colleagues in Dammam, KSA. We prepared some foods like inihaw na manok, nasunog pa dahil sa lakas ng apoy, paanu ba naman bago ang electric grill na ginamit, hahaha and take note with matching presentation pa. Grilled tilapia with palaman na binalot sa foil, wala nga lang sauce dahil nakalimutan gumawa, nyahaha.. Tum Yum (mixed seafoods, tasted with seafood paste) sarap ng sabaw. Pasta with mushroom, shrimp, parsley, pork cubes (wala kasing shrimp, amf naman talaga oo) and olive oil. (aba, tinawag ba naman na echucherang patsa daw, eh ano.. masarap naman.. hahaha). Shanghai Rice and Banana Salad na paborito ng iba dyan. hahaha

Kainan na....


Pagkatapos ng kainan syempre di pwedeng walang inuman. Amf
naman talaga bitin... dahil tira tira nalang yung binanatan. hahaha

Suma total, enjoy naman ang lahat....


Big BANG!!!! yehey


Happy New Year Guys.....!





Wednesday, July 1, 2009

"July 1" Thank's GOD its my Birthday"




instead of counting candles, or tallying the years,
i want to contemplate my blessings now.
as my Birthday, i consider special people who love me
and who care, and others who've enriched my life
just by being there.
i think about the memories passing years can never mark,
experiences great and small
that made me who i am.



another year is a happy gift,
so as i cut my cake, i say...
instead of counting Birthdays,
i count blessings everyday.



Happy Birthday to Me.


"The Sign CANCER" June 22 - July 21

Cancerian people have deep emotions and fathomless longigs. Rather than take a risk and put all their energy into something that might fail, they prefer to wait and watch. When the time is ripe, they dive in with great speed and efficiency. They are serious, caring, sensitive peole with complex psyches. This is the signs that deslikes taking unnecessary risks. When the going gets tough, they are perfectly content to dig in and surround themselves with domestic comfort and security. A wounded Cancerian is not an easy person to deal with. Given the opportunity at the right time, people of this sign cope remarkably well with fame, fortune, and responsibility. Money and sense of security play an important part in the Cancerian scheme of life. Though careful with money they are kind, generous and thoughtful. Cancer is extremely loyal to those who appreciate and support them, they are the nurture of the zodiac and will protect and cherish the person for a long time. One of the greatest things about Cancer is their ability to make others feel good themselves and love. This is because instead of doing this for themselves, the project this onto other people. This is positive cycle because in making others feel nurtured, wanted and loved, they in return feel good for making someone feel good. Other people can lean on and depend on Cancer, they will listen to people's problem and help them however they will rarely express their own deep feelings to anyone. People who want to share deep emotional thoughts and opinions with a Cancer might feel that scales are tipped on one side for Cancer will rarely reveal it's true deep feelings. A friend of Cancer is usually a lifelong devoted friend that can be trusted.

Tuesday, June 23, 2009

"Tropang Riyadh"


(L-R) Ryan, Jun, Mark, drahcir, Asher and John


Kay saya nang samahan, nitong walong barkadahan
Dumayo sa Khobar, para lamang mamasyal;
Di alintana, ang tingkad nang araw
Mababanaag sa mukha, umaapaw na kaligayahan

Aking nasaksihan, kanilang pagkaka-ibigan
Makikisig ang lahat, laging nagtatawanan;
Walang hindi sasang-ayon, sa aking isasalaysay
Mala Adonis na mahahawig, silang lahat ay my taglay.

Mapanghalina ang kisig, ang biriyo nila't tindig
Mga ngiting mapang-akit, waring anghel ang kawangis;
Nitong magkaka-ibigang, walang tulad ang samahan
Sa hirap at ginhawa, sila'y walang iwanan.


(L-R) Aaron, Ryan, Julef, Jun, Mark, Ronald, drahcir and John

"Saklob at si Katotong John"



Ako ay my Katoto, ang pangalan ay si John
Dumalaw sa aking tahanan, nitong nakaraan;
Ako ay pinagkalooban, Saklob na makapal
Kulay ay bughaw, at my tatak na Obeikan.

Sakbibi nang pagmamahal, itong aking kaibigan
Larawan nang kabutihan, ang adhika, mithi't hangad;
Anong simple nang pangarap, upang siya ay umangat
Nitong abang kaibigang, ating Diyos ang nag lalang.

Kanya manding binabanggit, kababawan niyang taglay
Na siya'y walang pinipili, ano man ang ating kulay;
Siya'y isang halimbawa, ehemplo sa kabataan
Isang Adang galing langit, bigkis yapos nang pagmamahal.

Kakambal nang kanyang drama, mga payong nagniningning
Bawat buod nang salita'y, bumobundol sa aking dibdib;
Mga linyang nanggagaling, sa taong maunawain
Ang mababa n'yang loob, nagsisilbi niyang bagwis.

Lapit mga katotong, my problema't suliranin
Sa Kuya John na ating mahal, sumangguni't 'wag manimdim;
Ano man ang inyong katayuan, kasarian at layunin
Hangga't abot nang kanyang kaya, tayo'y kanyang aaliwin.

Yan si Katotong John, hulog sa atin nang Langit.

Saturday, December 27, 2008

"kaibigan"


kay hirap ng nag-iisa at ni walang mabalingan
sa oras ng dalmhati't, malabis na kalungkutan
ang mata ay namumugto at luha'y di mapigilan,
ngunit hindi maibuhos, ang labis na pagdaramdam

kay hirap ng nagtitiis, makulimlim ang umaga,
ang pasaning tinataglay hanggang gabi'y dala-dala
araw gabi'y nag-iisip, pilitan man ang magsaya,
nababanaag ding tunay ang lungkot sa mga mata.

kay hirap ng may problema di malaman ang gagawin,
sukong-suko hanggang langit kay raming alalahanin,
nakita kong ang ina ko'y nag-iisip ng malalim,
si itay ma'y laging pagod at abala sa tunkulin.

ngayon ko lamang nabatid sa diwa ko't kalooban,
na ang taong nag-iisa ay puno ng agam-agam,
ika'y parang nasa laot nag-iisang nananagwan,
sa oras na mayroong unos ika'y walang kaagapay.

hanapin man sa daigdig ang 'san libong kaibigan,
mahalaga ang panahon sa pagpili ng kabagay
habang ika'y tumatanda ang araw ay nagdaraan,
ala-ala'y magbabalik sa piling mo, kaibigan.

Tuesday, November 18, 2008

"Nag-iisa, Wala Kana"




Papalubog na naman ang ilaw
Magpapa-alam na naman ang araw
Ang gabi ay muling mamamayani
At ang lamig ay hahaplos sa pisngi

Ilang araw na ang lumipas
Mag mula ng ika'y magpaalam
Ilang gabi na ang nag daraan
Ang pag-iisa ay tila di makayanan

Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin wala kana sa tabi
Nag-iisa, wala kana
Wala kana, nag-iisa

Ala-ala'y nag babalik sa isip
Ang larawan ng bawat sandali
Pag-ibig nating sinumpaan
Pinangako sa liwanag ng buwan

Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin wala kana sa tabi
Wala kana, Nag-iisa
Nag-iisa, wala kana

Ngunit kailangan ko na ang masanay
At tanggapin na lumisan kana ng tunay
Ang lahat lahat ay bubuti
Ang pag-ibig ay mananatili
Lagit lagi, hanggang sa walang hanggan