kay hirap ng nag-iisa at ni walang mabalingan
sa oras ng dalmhati't, malabis na kalungkutan
ang mata ay namumugto at luha'y di mapigilan,
ngunit hindi maibuhos, ang labis na pagdaramdam
kay hirap ng nagtitiis, makulimlim ang umaga,
ang pasaning tinataglay hanggang gabi'y dala-dala
araw gabi'y nag-iisip, pilitan man ang magsaya,
nababanaag ding tunay ang lungkot sa mga mata.
kay hirap ng may problema di malaman ang gagawin,
sukong-suko hanggang langit kay raming alalahanin,
nakita kong ang ina ko'y nag-iisip ng malalim,
si itay ma'y laging pagod at abala sa tunkulin.
ngayon ko lamang nabatid sa diwa ko't kalooban,
na ang taong nag-iisa ay puno ng agam-agam,
ika'y parang nasa laot nag-iisang nananagwan,
sa oras na mayroong unos ika'y walang kaagapay.
hanapin man sa daigdig ang 'san libong kaibigan,
mahalaga ang panahon sa pagpili ng kabagay
habang ika'y tumatanda ang araw ay nagdaraan,
ala-ala'y magbabalik sa piling mo, kaibigan.

No comments:
Post a Comment