Thursday, December 6, 2007

"Mga BlackSheep Sa Opisina"






=Mga Black Sheep Sa Opisina=


Kung may mga BlackSheep sa pamilya, may pagkakataon din sa trabaho na may nakakasama tayong empleyado na walang ginawa kundi pag mulan nang gulo o problema sa opisina. Walang magandang paraan nang pagharap sa mga ganitong tao kundi ang umiwas. Kung madalas silang katrabaho, pwede pa ring hindi ka nila pag isipan nang masama.

Dapat lang ay kilalaning
mabuti ang mga ganitong tao sa opisina upang pangalagaan ang sarili.

Ang Tsismosa - Makita
lang na nagta-type ka nang resume, ipagkakalat na agad na megre-resign ka. Mas alam pa niya ang buhay ninyong lahat sa opisina, kaysa sa inyo mismo. Iwasang tsumika sa ganitong tao dahil lahat nang sasabihin mo ay maaring gamitin laban sa iyo. Kapag nangumusta, sumagot nang "okay lang" at huwag nang dagdagan pa kahit may gusto kang ilabas. Mararamdaman niyang hindi ka interesado at hahanap na lang nang ibang biktima.

Ang Reklamadora - Masakit sa kamay ang keyboard nang computer. Pangit ang lasa nang lahat nang pagkain. Hindi maliwanag ang ilaw, palagi siyang pinag-iinitan nang boss. Nakaka hawa ang ganitong ugali ka
ya huwag lalapit sa mga ganito umasta. Kung ikaw ang minalas na makorner at pagbuhusan nang reklamo, huwag kang magpakita nang pagsang-ayon sa mga sinasabi. Basta no comment ka lang parati at sabihing "o, sige may gagawin pa ako." Lusot ka na.


Ang Sipsip - Palpak ang trabaho pero lagi kasing naka buntot kay Boss kaya hindi napapagalitan. Baka nga ipagkalat pang siya ang gumawa nang mga trabaho ninyong mahirap para lang magka-pogi points. Iwasang makasama sa mga office projects ang taong ito dahil sisiguruhin niyang siya lang ang may credit kapag maganda ang kinalabasan. Pero kung mangyari man ang gayon, humanap nang mga witness na makapagsasabi kay Boss na utak mo ang pinairal sa mga inangkin niya. Pagka-harap ang Boss kunyari busy, maraming ginagawa. Pati nga trabaho mo kukunin pa para kunyari sya ang may maraming ginagawa. Pag sa kanya ang credit ok lang, pero pag sa subordinates nya walang suporta.

Ang Martir - Papasok kahit mataas ang lagnat at ibo-broadcast ito sa buong opisina. Ipagkakalat na masama ang pakiramdam pero hindi magli-leave, para bang may gustong ipamukha sa inyong lahat. Actually, gustong patunayan nang taong ito na hindi iinog ang mundo nang opisina nin
yo kung wala siya. Ayaw ituro sa iba para kunwari sya lang ang my alam gumawa. At sa toto-o lang, mali-mali naman ang gawa. Maaring toto-o, maaring hindi. Ang pwede mo lang gawin ay huwag ma-insecure sa kanya. May dahilan kaya ka nasa kompanya, wala siyang kinalaman do'n.

Ang Isla - Ayaw na may kasama. Biglang mawawala kapag kailangan nang volunteer sa mga projects. Bihira ring makipag-usap, maliban na lang siguro kung may kailangang ipa-receive sa kanyang dokumento. Ku
ng hindi rin lang kayo kinakailangang magsama sa mga proyekto, huwag mo nang guluhin ang mundo nang taong ito. May mga loners talaga sa daigdig. Pero kung job-related ang isyu, kausapin mo muna sa e-mail. Humarap na lang nang personal pag nasanay na siyang sumagot sa iyo para suwabe ang pagpasok mo sa buhay niya.

Ang Muse - Feeling Star Circle ultimate survivor. Palaging naka harap sa salamin. Punta sa banyo para usisain ang mukha, damit at buhok. Kung pakiramdam niya artista siya, panoorin mo nalang nang maaliw ka. Nasa sa iyo pa rin kung tatanggapin mo ang taong ito. Kung wala naman siyang ginagawang masama, pabayaan mo na at ituring na entertainment sa opisina.



No comments: